Pick-up truck sapol punongkahoy, sira

Nasapol ng isang pick-up truck ang isang punongkahoy sa gilid ng kalye sa Barangay Cabobo sa Lamitan City, Basilan nitong Sabado, July 20, 2024.

Nawalan diumano ng control ang driver ng sasakyan kaya nabangga nito ang punongkahoy na bahagya lang na natanggalan ng mga balat, o bark sa wikang English.

May usap-usapang kumalat sa Lamitan City posibleng mabilis ang takbo ng sasakyan at lumihis, o posible diumanong nasa impluwensya ng alak ang driver nito kaya naganap and aksidente Wala pa namang ulat ang Lamitan City Police Station hinggil sa pangyayari. (July 20, 2024, handout photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *